PAGPAPALUSOT NG DOLYAR SA PORT OF NAIA, TIMBOG NA NAMAN


NASABAT ng Bureau of Customs – Port of NAIA ang dalawang packages na naglalaman ng undeclared foreign currencies na umaabot ang halaga sa $13,500 na nadiskubre sa Fedex warehouse nitong nakalipas na Oktubre 30, 2020.
Ang naturang mga package na parehong misdeclared bilang “correspondence/no value” ay magkasunod na dumating noong Oktubre 23 at 29 at nakapangalan sa isang sender mula USA at ipinadala sa iisang consignee mula sa Poblacion, Muntinlupa City.


Ang unang package ay may laman na 75 pieces ng $100 Bills habang ang isa naman ay may 150 pieces ng $20 Bills, 20 pieces ng $50 Bills at 20 pieces ng $100 Bills.


Matatandaan na nito lamang nakaraang buwan ng Setyembre ay naharang ng BOC-NAIA ang $8,000.00 na nakaipit sa mga pahina ng magazine . Sa kabuuan ay umaabot na sa halagang $31,200.00 o may katumbas P1,560,000 ang nasamsam ng Port of NAIA sa taong 2020.

Pinaaalalahanan naman ni BOC-NAIA District Collector Carmelita M. Talusan na ang pagpapalusot ng mga pera mula sa ibang bansa ay isang paglabag sa batas ng Bangko Sentral.


Ang nakumpiskang foreign currencies ay isasailalim sa seizure and forfeiture proceeding in violation of Sections 1400 (Misdeclaration) and 1113 of R.A. No. 10863 (CMTA) in relation to the R.A. 7653 (New Central Bank Act) and BSP Foreign Exchange Transaction Manual.


Patuloy naman ang mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Customs sa mga pantalan at paliparan alinsunod sa direktiba ni BOC Commissioner Rey Leonardo B. Guerrero.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *