boyfriend ‘hunting’ na…. ANDREA BRILLANTES, AYAW MAGING MALAMIG ANG KAPASKUHAN

boyfriend ‘hunting’ na…. ANDREA BRILLANTES, AYAW MAGING MALAMIG ANG KAPASKUHAN

May be an image of 1 person and text that says 'REVEAL NA YAN!!! BY: GLENN REVILLA Email add: glenn.revilla@gmail.com'
No description available.
No description available.

SA bagong pinakitang tambalang Kyle Echarri at blythe, tawag kay Andrea Brillantes, sa hit na seryeng Senior High ng ABS CBN ay tila naging mas close ang magka-loveteam at magbestfriend. Kaya sa ngayon palang ay balak na ni Andrea na maging future partner ito, lalo na masayang-masaya sila tuwing magkasama. Kamakailan lang ay naghiwalay sila ng dating boypren na si Ricci Rivero dahil nga sa pagiging two timer ng basketbolistang naiisyu sa mga walang kakwentang bagay, tulad ng kanyang mga di nalalabahang underwear. Tila inaabangan ni Andrea at lagi itong nakabuntot ngayon sa young aktor habang naghihintay ng kanilang advance shooting ng Christmas ID sa loob ng studio 10 ng ABS CBN.

Nagkukunwaring nagpapakuha sa mga nakatambay na photograper at panay ang pose ala-diosa. Ikaw ba naman di magpapansin, kung atat ka ng magkajowa? Kaya hayan na nga pagdaan palang sa hallway ni Kyle, aba ang Andeng halos yakapin ito ng todo-todo, na parang nagpapahiwatig na siya nga ang next target nitong gawing bf. Lalo na malapit na ang Pasko kaya kahit pa ubusin nito ang oras sa pagchikahan ay dedma to the max, para lang masolo ang poging aktor na hot na hot sa kanyang latest pictorial, na super sexy at tila nang aakit sa mga fans.

DI pa nakuntento si Andrea at sinigawan pa nito ng ‘Kyleto hintayin mo ako pag uwi mo’. Kaya ang aktor biglang kumaripas ng takbo sabay nawala sa loob ng compound ng studio. Ayon kay Andrea, masayang masaya siya na magkatambal ulit sila after ng Huwag Kang Mangamba kaya timing lang ang kanilang pagbabalik-tambalan lalo na no.1 ito sa mga platform ng abs cbn mas lalong sumikat ang kanilang pagtatambal ngayong 2023. Next big star ng ABS CBN ngayon ang dalaga lalo pa madami itong endorsement at show sa abroad. Kaya lalo inspired itong galingan ang kanyang pagiging artista. Kaya asahan natin sa susunod baka acting awards na ang makukuha ng aktres dahil sa dedikasyon nito sa kanyang karera.

No description available.
No description available.

VICE GANDA VS. ANNE CURTIS VS. KIM CHIU, KABOGAN SA PAGIGING FOOD CHAIN ENDORSER

MATATAKAM ka talaga sa mga host ng Its Showtime,aba nawala lang ito ng 2 linggo pero blessings pala ito sa kanila. Para maging endorser ng mga fastfood kung saan ay magugutom ka talaga sa kanilang bardagulan ng Fried Chicken. Nauna nga si Anne Curtis ng maging model ito sa Jollibee pati si Kim Chiu noong mag-Chowking ito at sa ngayon nga ang latest commercial naman ni Meme Vice Ganda para sa Mcdo Chicken. Kung saan nga ay viral ito na parang ginagaya ang pagdila ng icing pero manok naman ang dinidilaan ni Vice Ganda. Kaya malamang pag-uusapan na naman ito ng MTRCB. Di pa natrauma sa suspensyon heto na naman may panibagong isyu sa isang commercial ano na kaya mangyayari sa career ni Meme Vice kung laging nasa peligro ang kanyang mga gimik? Ngayon sa pagbabalik ng Its Showtime ay lalong pinalakas, pinaganda at naging kaabang abang ito sa mga sabik na sabik masilayan ang mga hosts lalo na matunog ang balitang sisibakin ng GMA ang Eat Bulaga dahil sa lotlot ito pagdating sa ratings, at malamang ang Its Showtime na ang ipapalit sa naturang timeslot ng Eat Bulaga.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *