something brewing up?? BARBIE FORTEZA AT DAVID LICAUCO, MADALAS MAGKA-HOLDING HANDS OFF CAM

something brewing up?? BARBIE FORTEZA AT DAVID LICAUCO, MADALAS MAGKA-HOLDING HANDS OFF CAM

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO loan deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

KUMALAT ang video na magk-holding hands sina Barbie Forteza at David Licauco. Tanong tuloy ng mga fans sa eksena raw ba yun sa Maging Sino Ka Man o off-cam? Kung sadya parte ng eksena ang pagho-holding hands ng dalawa, bakit sa blocking pa lang at nakikinig pa lang sila sa instruction ay magka-holding hands na? Maging ang video na nakahawak si Barbie sa likod ni David ay pinakialaman at inalaman ng fans kung kasama sa eksena. Nakikita naman nilang may nagbibigay ng instruction sa kanila kaya siguro kasama nga yun. Ang hindi kasama sa eksena ay yung magkatabi sila David at Barbie at nakaakbay ang una sa huli dahil tila may binabati sila at kumaway pa. Anyway, kasama man o hindi sa eksena ay marami ang kinililig lalo na ang kanilang fans at may video pa na naka-focus lang sa holding hands nina Barbie at David. Tanong pa ng fans, bakit daw sa Ultra Mega Expo 2023, magka-holding hands pa rin sina Barbie at David at tila sobrang sweet na nila sa isa`t-isa.

Hindi naman daw yun taping dahil guest performer lang sila. Isa pa habang nagdu-duet ay magkaakbay pa sila sa isa`t-isa. Wala pang reaction ang dalawa, manood na lang kayo ng Maging Sino Ka Man na magaganap na ang finale simula sa Lunes. Mahal lang talaga ng BarDa fans sina Barbie at David dahil may pa-coffee truck na naman sila sa taping at take note, hindi lang coffee ang isinerve, may dark chocolate at pink drink. Samantalang sa finale days ng Maging Sino Ka Man ay maraming twists at revelation ang magaganap starting on Nov. 3.

Sa final week, Barbie at David ay haharapin ang panibagong hamon sa kanilang love story. Matutuklasan ni David na ang ina ni Barbie ang siyang mastermind sa pagpatay sa kanyang kapatid. Pero sa totoo ay si Jean Garcia ang nag-order na patayin si Wendel Ramos. Comment nga ng netizens na sumubaybay sa series nina Barbie at David, “Gabi-gabi namin `tong pinapanood. Parang bumabalik ako sa pagkabata, napaka-efforness nilang magpakilig. Nakakalungkot lang matatapos na. BarDa forever. Sana may next project agad sila. This is my type of teleserye, hindi siya stressful panoorin. Instead it brings good vibes and positivity. Full of love. Monday to Friday at 8:00 pm sa GMA Telebabad and at 9:40 p.m. on GTV.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *