PAGBABALIK SA ERE NG ITS SHOWTIME, TRENDING AGAD

PAGBABALIK SA ERE NG ITS SHOWTIME, TRENDING AGAD

May be an image of 1 person and text that says 'TALK ADOR Online BY: ADOR SALUTA email add: adorsaluta@yahoo.com'
No description available.
No description available.

NUMBER 1 trending sa Twitter kahapon, October 29, Sunday ang pasabog na opening number ng It’s Showtime family at sa kanilang pagbabalik sa 12 noon viewing. Bukod Kay Vice Ganda punumpuno ng energy ang opening number nina Anne Curtis, Ogie Alcasid, Amy Perez, Karylle, Jhong Hilario, Amy Perez, Ryan Bang, Jackie Gonzaga at Cianne Dominguez. Wala si Vhong Navarro due to prior raket. Hindi rin nalimutang pasalamatan ni Vice si Lucky Manzano, na siyang host ng It’s Your Lucky Day, ang orogramang pansamantalang ipinalit sa kanilang show dahil sa MTRCB’S 12-day suspension.

Ibinahagi din ni Vice na ginamit nila ang kanilang pahinga o makapag-recharge para mapaaghandaan nila ang ‘Magpasikat’ segment para sa kanilang ika-14th anniversary ng It’s Showtime. Nitong October 28 din ginanap ang Mini Miss U grand finals na napanalunan ni Arianah Lasam na nag-uwi ng sash and crown, plus Polaris (sister company ng Star Magic) contract, P5-M in cash at trip for 4 sa HongKong Disneyland, also free 3 days,2 nights accomodations, and plane tickets. Nakakuha ng pinakamataas na score si Arianah mula sa mga hurados na sina Gladys Reyes, Niño Muhlach, Janice de Belen, Diamond Star Maricel Soriano at Snooky Serna. Samantala,inanunsiyo na ng prod team na simula October 30, Lunes, mapapanood na ang It’s Showtime sa 11:30 am, every Monday to Saturday.

No description available.

DATING BOLDSTAR BRANDY AYALA, WALANG PAMBILI KAHIT ISANG STICK LANG NG YOSI,

SA YouTube vlog ng katotong Morly Alinio, featured ang dating sikat na sexy actress na sumilkat noong ’80’s na si Brandy Ayala. Sa panayam ni Morly Kay Brandy, pagala-gala na lang sa kalye ang dating sexy star after nitong ibenta ang naipundar nitong bahay noong kasagsagan pa ng kanyang kasikatan. Isa sa nagpabagsak sa kanyang career ay nang matutunan nitong gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Kasabay ng kanyang pagiikot-ikot sa mga kalye, nalaman ding namumulot siya ng mga pagkain sa mga basurahan o ‘pagpag’ ika nga mula sa mga basurahan ng mga fastfoods. Sa mga taong kanyang nakakausap, ang sigarilyo ang lagi niyang hinihingi dahil di na nito afford ang bumili ng 10 pesos per stick. Yes, ganu’n na nga ka-purita si Brandy, Can’t afford.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *