MARICEL SORIANO NAPALUHA SA PREMIERE NIGHT NG SARILING MOVIE

MARICEL SORIANO NAPALUHA SA PREMIERE NIGHT NG SARILING MOVIE

May be an image of 1 person and text that says 'Iohn S POINT BY: JOHN FONTANILLA'
No description available.
No description available.

HINDI naiwasang maluha ng Diamond Star na si Maricel Soriano sa premiere ng kanilang pelikulang ” In His Mother”s Eyes ” ng isang malakas na palakpakan ang ibinalik ng mga taong nakapanood sa nasabing pelikula na ginanap sa Cinema 2 ng SM Megamall last Nov. 28. Hindi lang si Maricel ang napaluha dahil halos karamihan ng nasa loob ng sinehan ay napaiyak sa ganda ng mga eksena at sa husay na pagkakaganap nina Maricel Soriano, LA Santos at Roderick Paulate at sa napahusay na pagkakagawa ni Direk FM Reyes ng In His Mother’s Eyes. Nakakapanghinayang lang dahil hindi ito nakapasok sa 2023 Metro Manila Film Festival, dahil napaka ganda ng pelikula, may puso at mahuhusay ang mga attista. Mapapanood na ang In His Mother’s Eyes sa mga sinehan nationwide, hatid ng 7k Productions ni Mommy Flor Santos. Pero paalala lang wag kalimutang magdala ng panyo dahil pihadong luluha ka!

No description available.

PORMAL ng ipinikilala sa entertainment press ang six beautiful ladies na siyang magiging kauna-unahang batch na aalagaan ng Borrat ( Borracho Artist Management ) at sila ay sina Fiona Phoebe, Tala Zaldivar, Stella Bianca, Luna Bella, Anyah Koh at ang nagbabalik showbiz na si Barbara Milan. Kung saan ang ilan sa kanila ay nagbigay ng sample ng kani-kanilang talento, may sumayaw at may kumanta. Ayon nga kay Atty. Ferdie Topacio ng Borracho Films na may kanya-kanyang pelikulang gagawin ang anim sa pagpasok ng 2024.

No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *