partida di pa naging Miss Universe….. MICHELLE DEE, LOMOBO NG HUSTO ANG KASIKATAN

partida di pa naging Miss Universe….. MICHELLE DEE, LOMOBO NG HUSTO ANG KASIKATAN

May be an image of 1 person, money and text that says 'hike GO loan deal Online BY: GERRY OCAMPO'
No description available.
No description available.

KUNG dati ay one of those girls lang si Michelle Dee kapag kasama ang mga kabarkadang artista, tulad nina Rhian Ramos at iba pa. Ngayon ay mabangong-mabango na ang pangalan ni Michelle simula nang maging representative siya ng Pinas sa katatapos na Miss Universe beauty pageant. Biglang sikat nga ni Michelle kahit natalo siya sa naging controversial na beauty contest dahil imbes na mapasama siya sa Top 5 ay biglang nawala ang beauty niya. Marami ang hindi nakakaalam na nakuha ni Michelle ang pagiging action star ng kanyang ama na si Derek Dee na dating sikat na action star.

Ayon nga sa mga sumuporta kay Michelle ay babagay siya maging isang Sanggre para sa action-pantaseryeng Sangre: The Encantadia Chronicles. Isang Air Force reservist si Michelle na kung saan nakapasa siya sa training kaya puwedeng sumabak sa bakbakan. Bagay din sa beauty queen/actress ang mag-host ng show dahil matalino ito at may kumpiyansa sa sarili. Sa dami ng sumusuporta at nakisimpatya kay Michelle ay hindi pa rin masasabing talunan. Dagsa ang offer sa kanya ngayon ay maging ang former franchise owner ng Miss Universe na si Chavit Singson ay humanga din kay Michelle kaya naman niregaluhan siya ng isang brand new luxury car.

Matatandaan dahil na rin sa “nangyaring dayaan” sa nasabing prestigious beauty queen ay nagpahayag daw ang successful businessman na si Chavit na balak niyang bilhin ang prangkisa ng Miss Universes para maputol na ang taon-taon controversial issues na nagaganap sa contest. Nagpapasalamat naman si Michelle sa lahat ng mga kababayan na nagbigay sa kanya ng moral support.

Samantalang ultimong transgender na nagmay-ari ngayon ng Miss Universe ay may mga sarili rin usapin bukod sa nangyaring iskandalo sa mismong organisasyon. Recently ay napahayag ito kay Clint Bondad ng goodbye messages na tila tinatapos na nito ang anumang ugnayan sa hunk model. Matatandaan na si Clint ang hunk model na napabalitang isa sa diumanong boys toys ni Anne Jakrajutatip. Pero itanggi naman ito ng transgender owner ng beauty pageant dahil kapatid o nakakatandang kuya lang ang turing niya rito pati na kanyang pamilya. Halos isang taon din tumira sa bahay ni transgender Anne sa Thailand ang binata. Tinawag na dilusional ni Anne si Clint na pinayuhan pa ng mag-move forward na at ayusin ang buhay.

No description available.
No description available.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *