Inilabas na ng Commission on Elections (Comelec) ang opisyal na listahan ng mga kandidato para sa pagka-senador sa nalalapit na May 2025 National and Local Elections (NLE). Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, 66 na kandidato lamang ang nakapasok sa pinal na listahan matapos ideklara ang 117 iba pang aspirante bilang nuisance candidates.
Kabilang sa mga nasa pinal na listahan si Pastor Apollo Quiboloy, ang founder ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC), na kasalukuyang nakapiit dahil sa mga kinakaharap nitong kasong kriminal.
Dagdag pa ni Garcia, ilalabas ng Comelec sa susunod na linggo ang balota na maglalaman ng mga pangalan ng mga aprubadong kandidato.
Aniya, “Wala tayong nakuhang restraining order; wala pong inisyu na temporary restraining order ang Supreme Court laban sa 117 na dineklara ng Comelec bilang nuisance. Kaya 66 lamang ang opisyal na kandidato.”
