


SI JULIUS BABAO ay pararangalan ng Philippine Movie Press Club sa idaraos na 38th PMPC Star Awards For Television. Ipagkakaloob sa kanya ang LIFETIME ACHIEVEMENT AWARD FOR EXCELLENCE IN BROADCASTING.
Hinog na hinog na sa panahon at hindi matatawaran bilang isang mamamahayag ang nag-iisang Julius Babao sa kanyang kahusayan, kakayahan at istilo ng pagbabalita, kaya naman tumagal ng ilang dekada ang kanyang kasikatan.
Narating ni Julius ang tagumpay sa larangan ng pamamahayag dahil sa kanyang mga napatunayan noon hanggang ngayon. Sa bawat panahon ay hindi nawawala ang kanyang pagmamahal sa trabahong kanyang ginagalawan, ginagawa at isinisiwalat. Lagi na ay hindi nawawala sa kanya ang malasakit at puso sa ngalan ng kanyang trabaho para sa masa.
Sa personal din naman, kakaiba si Julius kumpara sa pangalan ng ibang sikat sa larangan ng pagbabalita. Maamo siya sa mga tao, hindi ipinaparamdam at hindi ipinagyayabang ang narating na tagumpay.
Katunayan nga nito, sa ngayon ay mayroon siyang JULIUS BABAO UNPLUGGED kung saan sa bawat panayam ay naroon ang kanyang mapusong pagtalakay sa mga datihang artista sa showbiz na hindi na nakikita at hindi na nababalita kaya halos wala na sa kamalayan ng henerasyon ngayon.
Sumasaludo ang mga artistang naging bahagi na ng patok na patok ngayong JULIUS BABAO UNPLUGGED dahil sa mapagmahal at mapusong pagtalakay ni Babao sa kanilang buhay at mga pinagdaraanan na hindi na alam ng showbiz.
Sa patuloy pang pamamayagpag ng pangalang Julius Babao, ay lagi siyang maaasahan dahil hindi nawawala sa puso at isip niya ang magandang layunin sa abot ng kanyang kakayahan para sa trabahong kanyang ginagalawan.
The grand awards night will take place at the Dolphy Theater on March 23, 2025 (Sunday) at 7-PM, hosted by the star studded trio of Alden Richards, Kim Chiu and Piolo Pascual.
