



Inanunsiyo ng ABS CBN ang pagbe-benta ng lupang kinatatayuan ng tinaguriang the largest network sa Ayala Land Inc. Nasa 30,000 square meters ang kabuan ng deal mula sa 44,000 square meters na kinatatayuan ng Kapamilya network.
Ikinagulat ng madlang pipol ang ulat dahil anilay simula na ito nang pagkabuwag ng ng mga gusali at pasilidad ng nasabing network, gaya ng ABS-CBN facade, ang ELJ Millennium Transmitter Towers, at ang Chapel de Anunciation, ang tanging simbahan sa loob ng network at maging ang makasaysayang Dolphy Theater kung saan ipinatayo ang studio sa ngalan ng Comedy King na si Dolphy.
Sa Dolphy Theater din isinasagawa ang mga importanteng selebrasyon gaya ng movie premiere nights, press conferences, concerts at iba pang mga award nights.
Wala pang kumpletong detalye ang Ayala Land sa plano ng pagbili ng lupa subali’t hula ng karamihan dito ipapatayo ang Isang high-rise condominium.
Marahil ay napag-isipan na rin ng ABS-CBN na gamitin na ang ekta-ektaryang pasilidad ng kompanya sa San Jose, Del Monte, Bulacan na kumpleto na rin sa pasilidad kung saa’y dito ginanap ang trying ng ‘Darna’ na pinagbidahan noon ng aktres na si Jane de Leon.
Natigil lamang ang operasyon ng nasabing pasilidad dahil sa pandemic.
* * * * * * *
Tatlo sa ating mga sikat na artista ang palaging sinusuyo ng mga partido na umanib sa kanila at sisiguraduhin ang kanilang panalo dahil mabango sila sa ating mga kababayan. Sila ay walang iba kundi ang yumaong comedy king, Dolphy, si Vic Sotto at Vice Ganda.
Subali’t hinangaan ang tatlong personalidad dahil sa nais nilang maglingkod ng tapat hindi gaya ng iba na nagiging corrupt kapag nasa puwesto na.
Narito ang mga mensahe ng tatlo nating sikat na personalidad na nagbahagi ng kanilang opinion sakaling tumakbo sa puwesto sa gobyerno.
“Kung ako ay papasok sa pulitika, isa lang ang ikinakatakot ko… Kapag ako ay nanalo. Dahil kapag andun na ako, baka mapahiya lang ako. Kasi di ko alam ang gagawin ko? Eh di sayang lang ang mga boto ng tao,” ani Dolphy.
Sabi naman ni Bossing, “You don’t have to be in politics to be of public service. Because with Eat Bulaga, it’s more of public service. I’d rather be in this industry, which for me, kahit papano nakakatulong ako sa mga kababayan natin in my own little way,” sey naman ni Vic Sotto.
On the other hand, Meme said, “Feeling ko (kapag tumakbo ako), mananalo ako. Marami akong followers. Marami akong fans. Baka maraming bumoto sa akin.
Pero ako, sa sarili ko ngayon, hindi ako magaling dun. So bakit ako pupunta doon? Ano, ipapahamak ko ang Pilipinas? Not because you can win, you will run?” pahayag naman ng Unkaboggable Superstar na si Vice Ganda.
Dahil dito, hinahangaan ng mga netizens ang karapatan ng tatlo sa pagsisilbi sa bayan ng matapat at walang bahid ng pagnanakaw!
