

Pabonggahan na ang eksena sa politika sa Olongapo ngayong 2025, at isa sa mga super trending at hot na hot sa karerang ito ay si Arnold Vegafria—ang kilalang artist manager at star builder, entertainment producer, advertising expert, at negosyanteng may pasabog na karisma at determinasyon para muling iangat ang kanyang minamahal na lungsod.
Kilala si Arnold bilang ALV, pero ngayon, nang matanong siya ng Pinoy News Channel kung SA anong salita niya mas gustong makilala, “Manager ng Bayan,” ang mabilis na sagod ni Arnold.
Rumarampa si Vegafria sa pulitika under the ‘Anak ng Gapo’ banner, na may layuning gawing bonggang-bongga ulit ang Olongapo—isang lugar na minsang naging sentro ng musika, kultura, at turismo noong kasagsagan ng U.S. bases days at Pinoy Rock boom ng ’70s.
Sa kanyang media launch sa Kamuning Bakery Café sa Quezon City nitong Abril 28, sinabi ni ALV na isa lang ang wish niya—ibalik ang glory days ng Olongapo! “I know, hindi madali, pero with our fabulous team and solid vision, kaya nating buhayin ulit ang sigla ng siyudad na ito,” sey niya na very convincing at palaban.
Kabilang sa kanyang slate ang vice mayoral bet na si Fiscal Prudencio Jalandoni at ang kanyang mga kandidato sa konseho gaya nina Ian Vegafria Bautista, Macky Alonzo, Erick Elmo Ison, Pocholo Galian, Derrick Quijano Manuel, Cris Tooley Jr., Bhong Tocayon, Tina de Leon, Jerome Ducos, at Earl Escusa—na all out ang suporta kay ALV para sa transformation ng lungsod.
Pero let’s not forget, hindi lang pulitika ang forte ni Vegafria. Showbiz is life din siya! Si ALV ang ultimate manager ng maraming celebrities under ALV Talent Circuit, at isa sa mga kilalang haligi sa likod ng mga pasabog na concerts, teleseryes, beauty pageants, at events sa bansa. Siya rin ang official franchise holder ng Miss World Philippines at Miss Grand Philippines—kaya naman kabog na kabog sa aura at elegance!
Bukod sa kanyang mga alaga, hot topic din ang tungkol sa tambalang Barbie Forteza at David Licauco a.k.a. ‘BarDa’. Aminado si ALV na hindi pa niya personally na-meet si Barbie, pero bet na bet niya ito! “Magaling umarte si Barbie, very refined siya at may class. Kung sila na nga ni David, go lang! I wish them all the best. May blessings ko sila,” sey ni Manager ng Bayan, na talaga namang very supportive sa kanyang talents—on-cam or off-cam!
Sa kabila ng kanyang showbiz glam life, totoong pusong makabayan si ALV. Dati na siyang naging political consultant at campaign manager sa mga national at partylist campaigns—kaya sanay sa init ng laban, at hindi basta sumusuko. Ang kanyang mayoral platform ay very real talk at relatable… Job generation, tourism boom, health and education reforms, infrastructure development, sports and arts promotion, anti-drugs, at syempre, bonggang waste and flood management na ikakaganda ng city.
Kaya mga bechie sa Olongapo, ready na ba kayo sa isang bagong kabanata? Dahil kung si Arnold Vegafria ang tatanungin, it’s time na para isalang ang Olongapo sa spotlight at gawing showbiz-level ang pag-unlad!
Push mo ‘yan, Manager ng Bayan!
G ka na bang ma-in love ulit sa Gapo?
‘Yun na!
