
Ayon sa US based recording artist na si Nick Vera Perez , malaking parte raw ng kanyang pagkatao ang kanyang ina.
“She’s the best part of me,”pakli niya.
Marami rin daw siyang natutunan sa naging paggabay sa kanya ng mahal na ina.
“Malaking part ng buhay ko ang mom ko sa paghubog ng values ko. Tinuruan niya akong maging pasensiyoso.Tinuruan din ako ni Mama na rumespeto sa mga babae kaya kapag nakakakita ako ng isang ina, mahal ko ang lahat ng mga babae,” paliwanag niya. ” Sa nursing, nakita mo naman kung paano magluwal ng baby, iyong life, nakakaantig siya. Every time I see a pregnant woman, ang saya saya ko kasi she’s carrying another life na di kayang gawin ng mga lalake but that is not to disqualify men na kailangan din ng mga babae,” pahabol niya.
Hindi rin ikinaila ng singing nurse na si Nick Vera Perez na idolo niya ang OPM greats na sina Martin Nievera, Ariel Rivera at Ogie Alcasid.
Idagdag pa riyan ang namayapang Kilabot ng mga Kolehiyala na si Ariel Rivera.
“I literally grew up hearing and singing their songs. Iyong vocal ranges nila kakai ba. Sila iyong idols ko, ” lahad niya.
Katunayan, isang karangalan daw para sa kanya na nasaksihan ang golden years ng OPM noong panahon ng kanilang pamamayagpag.
“I feel I’m one of them when I sing their songs,” aniya.
Gayunpaman, kapag daw kinakanta niya ang mga awitin ng kanyang mga idolo ay hindi naiaalis na maikumpara siya sa mga ito.
“Pag nagpe-perform ako, you tend to sound like them. Dumating sa punto na iyon ang puna sa akin, When I saw the fans of Martin bashed me, iniba ko na ang istilo ko. Ako naman, I want to have my own identity as a musical artist,” paliwanag niya.
Masaya naman si Nick dahil nagbunga ang kanyang pagpupursige na maging matagumpay na singer dahil nagkaroon na ng niche ang kanyang sold-out shows sa Tate.
Kahit may stable na trabaho sa US bilang isang nurse at may mga ari-ariang naipundar, lagi raw niyang nami-miss ang Pinas kaya siya umuuwi.
“I think this is my home and besides, sayang din naman iyong chances to do shows here,” sey niya.
Si Nick ay nasa bansa para i-promote ang kanyang ikaapat na “all-original and all-new OPM album na “Parte ng Buhay Ko,” na available na sa lahat ng digital platforms.
Maliban sa “Parte ng Buhay Ko,” kasama rin sa album ang mga awiting “Biyaya,” “Paghilom ng Sugat,” “Titig,” “Lihim ng Puso,” “Kalendaryo,” “May Tayo Ba?,” “Pangarap Ko’y Ikaw” at “Sana’y Mapansin.”
Ito ay mula sa komposisyon ni Adonis Tabanda.
Bilang bahagi ng kanyang promotional tour, si Nick ay bibisita sa iba’t-ibang media outlets at venues tulad ng Net 25’s Eat Connect, Wej@Minute, Sta. Lucia East Mall, Isetann Recto, Robinsons Novaliches, at Wish Bus.
Isa sa highlights ng tour ay ang special treat niya sa Mayo 11, Araw ng mga Ina sa KCC Mall sa Zamboanga. Kasama rin niyang magpe-perform sa show sina Evelyn O. Francia at ang promising new talent na si Hannah Shayne.
Si Nick ay magiging abala rin sa kanyang charity works sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Layunin din niyang aliwin at maka-bonding ang ina sa kanyang bakasyon sa bansa. Si Nick ay naghahanda na rin sa kanyang upcoming music projects. Kasama na rito ang pagre-release at pagpro-promote ng kanyang ikalimang gospel album na “Unafraid. “May niluluto na rin siyang dance album.Para sa karagdagang detalye, nangyaring i- follow si Nick Vera Perez sa kanyang social media accounts.
