

A lot has got the looks. As well as the voice. Meron total package sabi nga. And more often than not, merong maswerte’ng may taglay na X-factor.
‘Yung napanood namin sa entablado ng Aromata sa muling paglulunsad ng ika-apat na nilang bokalista ay tumawag ng pansin sa mga una’ng nakapanood na sa kanya.
Nagtapos ng Business Administration na kurso si Marcelino sa PWU (Philippine Women’s University) dabbling also sa Culinary, natuklasan naman ni Patrick Marcelino’ng may boses pala siya para kumanta, kaya napasali siya sa mga banda dito at sa ibang bansa tumugtog.
Sa Singapore siya nagtagal. Pero nang igupo ng cancer ang kanyang maybahay, minabuti niyang bumalik na for good sa Pilipinas. Para hindi na mawalay sa dalawa nilang anak na sina Shanice at Jacob (11 and 9 years old).
Hindi naman nawala sa kanya ang pagpapatuloy sa pagkanta. Kaya sa isang pagkakataon that he saw the manager and keyboardist of the group Inner Voices na si Atty. Rey Bergado, hiningi niya ang isang piyesang ginawa nito na hindi pa mahanapan ng pwesto sa repertoire nila with vocalist Angelo Miguel. He wanted to continue, dahil may plano na rin naman pala long before pa si Atty. Bergado na i-launch siya as a solo artist, hindi lang magtagpo ang mga pagkakataon.
Patrick moonlights as Angelo’s sub kapag hindi ito available. Kaya kasundo na rin siya ng members of the band kabilang sina Joseph Cruz (keyboardist), Rene Tecson (lead guitar), Joseph Esparrago (drummer), at Alvin Peliña Hebron (basssist).
Kaya nang dumating ang desisyon ni Angelo na mag-solo at kumawala sa banda, ang tanong ni Atty. Rey ay kung magtutuloy pa ba sila o tuluyan ng mamamahinga. Sang-ayon ang lahat na magtuloy pa rin. Pero sino ang papalit?
Naisip ni Atty. Rey si Patrick. Nag-usap. At para namang panalanging agad na nasagot ang hiling ni Patrick. Para sa kanya, last hurrah na ito sa karerang niyakap. Hindi solo. Sa grupo.
He got to record ‘Meant to Be’. Pinaghahandaan na rin ang ‘THAL’ (tubig, hangin, apoy lupa), ‘Idlip’ at ‘Galaw’.
The moment of truth came. His launch. With flying colors, yes!
May mga flaws pa, yes. Pero hindi mapapansin. He gave an awesome performance. Okay siya with the band. The audience loved him. The press appreciated him.
Images were running in my mind. Rannie Raymundo ba sa porma. Check. Looks na pinaghalo’ng Ken Chan at Rocco Nacino. Check pa rin.
Mai-in love ‘ata ang mga bakla! Baka sa bagay na ‘yun, sabihin kong Chad Borja.
While the others were gifted with the X-factor, ‘yung mama has got the L-factor. Thanks to the tattoos all over his body. Marks of milestones in his life. The name of his wife. Mama Mary. And many crosses. The tolerance for pain in this man’s body must be of the highest degree.
There are gigs where he takes off his shirt while belting out some rock pieces. Geez! May space pa ba para magdagdag! May Adam Levine ng Maroon 5 din siya.
The L-factor takes over. With his grooves and moves.
Definitely, just like his tattoos, his music is set to leave an indelible mark in the music industry.
Tough act to follow ba ang nawala? Nah! We saw the answers.
Nabuhay ang ‘Hipo Queen’, ha!
You nailed it!
Meet the Inner Voices Band sa 19East on April 30 to see, hear and feel what I mean!
‘Yun na!
