
Kakalungkot naman ang kuwento ng aktor na ito.
May tsika noong magbababu na raw ang aktor dahil hindi kumita sa takilya ang huli nitong pelikula.
Certified flop daw kasi ang movie ng aktor kung saan nagbagong bihis siya at lumabas sa kanyang comfort zone.
Ito pa man din ang pagkakataon para i-redeem niya ang kanyang sarili na kaya niyang tumayo kahit wala sa anino ng ex na na-associate sa kanya.
May mga tsika ring napapabayaan na rin ng aktor na ito ang kanyang sarili pati na diumano ang personal hygiene.
Nakapanghihinayang lang daw dahil isa siya sa maituturing na nagtataglay ng magandang mukha sa showbiz.
May dagdag pang chism na medyo naging problemado noon si aktor.
Sinisingil na raw kasi siya ng kanyang ex hindi sa pagkakautang nito sa kanya.
Gusto raw kasing bawiin ni ghurl ang perang na-invest nito sa kanilang joint venture.
Kailangan daw kasi ni ghurl ng kadatungan para ipangtustos sa kanyang daily expenses in pursuit of her dreams.
Kaso, simula nang magkahiwalay sila at magkanya-kanya, nalugi na rin daw ang kanilang negosyo.
Noon daw ay in big trouble si aktor dahil hindi pa niya maibalik ang perang isinosyo sa kanya ng kanyang ex.
Hindi naman siguro ito darating sa puntong magkaroon sila ng asunto, pero knowing the actor, mataas din ang pride nito at siyempre, ito iyong tipong gagawin ang lahat para hindi mapahiya sa kanyang ex na sa true lang ay mahal na mahal pa rin niya.
Pero sa ngayon, nag-iba raw ang ihip ng hangin. Dedma na rin daw si actor sa ex dahil may alas na ito.
Iniiwasan na raw ng aktor si aktres lalo pa’t nali-link si aktres sa business associate nito.
Sino ang aktor na ito?