
Mga mars, may latest chika tayo na tiyak na ikagugulat niyo! Sa isang lungsod sa Southern Metro Manila, may isang pamilya na sobrang kapit sa pwesto—akala mo mga madre sa bait, pero sa likod ng eksena, sila pala ang tunay na ‘kontrata queens’! Sino sila? Well, tawagin na lang natin silang ‘Tres Marias’—mag-ina at isang kapatid na sabay-sabay ngayong tumatakbo sa eleksyon.
Si Bunso, na may mala-anghel na imahe, ay gustong maging mayor. Si Mudra, na matagal nang nakaupo sa trono, ay tatakbo namang vice mayor. At si Ate? Naku, bet din niyang pumasok sa eksena bilang konsehal. Sa unang tingin, parang family goals, di ba? Pero wait, there’s more!
Ayon sa ating mga sawsawero na may direct access sa Mayor’s Office, mukhang hindi lang serbisyo publiko ang hanash ng pamilyang ito. Ang mister ni Mudra—aba, isa palang major kontrata diva! Siya ang may hawak ng mga proyekto ng lungsod, mula sa infrastructure hanggang sa repair ng garbage trucks. Samantala, ang jowa ni Ate Konsehala? Naku, certified kuya mechanic ng city government, at tila may forever na kontrata sa pagkumpuni ng sirang sasakyan ng lungsod. Ang kapatid ni Bunso? May sariling empire rin sa pagkuha ng mga kontrata sa City Hall. In short, sila-sila lang ang nagkakasarapan sa kaban ng bayan!
At hindi pa tayo tapos, mga accluh! Ang lola ni Bunso—yes, ang mother ni Mudra—ay diumano’y may pabenta-benta sa malalaking proyekto ng lungsod. May ‘cut’ daw siya sa bawat big-time government purchase, mula sa construction projects hanggang sa pagbili ng gamot sa health centers. Ang SOP? Eh di sana all—kaso pera ng bayan ang ginagamit, kaya not fresh ito, mga mare!
Ang masaklap, ginamit nila ang kanilang pa-demure image para sa political dynasty na ang tunay na goal ay manatili sa kapangyarihan at patuloy na gumora sa pera ng bayan. Akala mo bigay-todo sa kabutihan, pero kung makapanindak sa kanilang staff at sa mga hindi nila kaalyado, wagas! Yung mga pasabog nilang tulong at pa-charity? Well, galing din daw ‘yan sa budget ng syudad, hindi sa sariling bulsa.
Kaya mga mumshie, oras na para magising at lumafang ng tea! Huwag magpaloko sa mga matatamis na pangako. Hindi natin dapat hayaang magpatuloy ang ganitong pabida pero palpak na sistema! Tandaan, hindi lang dapat pretty sa campaign, dapat may puso para sa tunay na paglilingkod!
Abangan ang susunod na kabanata, mga nini!
‘Yun na!