



SA isang medical mission nag-krus ang landas nina Ara Mina at Sarah Discaya.
Artista. Businesswoman.
Pareho ang pagbabahagi ng biyaya ay nananalaytay na sa kanilang mga ugat.
Si Ara nasa dugo na ang larangan ng pulitika dahil sa ama. Si Ate Sarah, unang sabak man ay itinatwa ang anumang kaugnayan sa mga nasa pulitika ng angkan ng Eusebio.
Nagsasanib pwersa ngayon sina Ara at Ate Sarah. Bilang konsehala at bilang alkalde ng Pasig City.
Pader ang babanggain ni Ate Sarah sa katauhan ng kasalukuyang Mayor ngayon ng Pasig na si Vico Sotto.
But Ate Sarah is unfazed. For as long as ang intensyon daw niya ay makatulong sa pangangailangan ng nga Pasigueños, isasagawa niya ang mga bagay para sa pangangailangan ng mga ito.
Gaya ng halos lahat na naming nakausap na mga sasabak sa pulitika, ang kay Ate Sarah naman ay ang pulitika na ang maging daan para sa mas malawakan na nilang pagbabahagi ng tulong sa mas nakararami sa pagtatayo ng mga gusali ang negosyo ni Ate Sarah at ng kabiyak ng kanyang puso. Pero ang mga negosyo raw nila ay nasa iba’t ibang mga bayan sa bansa. Wala silang negosyo sa mismong Pasig.
Ayon kay Ate Sarah, kung saan sila may negosyo ay doon na sila nagbabayad ng kanilang buwis.
Kung may showbiz na maikakabit kay Ate Sarah bukod kay Ara, minsan pala itong nanalo sa isang contest na may kinalaman sa Superstar na si Nora Aunor. Ang Lola raw niya ang Noranian. At nang batang-paslit pa lang siya ay napapasama na siya sa mga bulilit na kumakanta at sumasayaw sa ‘Superstat’. At ang Lola naman daw niya eh, nadadalaw na noon ni Ate Guy sa ilang pagkakataon bilang oldest fan ng National Artist.
Si Ara ang excited na maipakilala si Ate Sarah sa pamilya niya sa members ng media sa entertainment.
Naiyak pa si Ara sa rubdob ng nadarama niya sa pagiging isang mabuting tao ng nakilala niyang Ate Sarah.
Magkahawak-kamay silang sabay na suusong sa bagong hamon ng buhay nila.
Walang kwestiyon na tumakbo si Ara sa Pasig ngayon dahil lumaki siya at nag-aral sa Santolan. Kung saan nananahan ang kanyang ina na minsan ng kinoronahan bilang Mutya ng Pasig na ang premyo nga eh movie contract kung saan kinilala ito bilang si Venus Imperial na nakasama ang dalawang haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. Sina Fernando Poe, Jr. (FPJ) at si Joseph ‘Erap’ Estrada.
Noong nakaraan pa nagkakasama sina Ara at Ate Sarah sa pagbaba nila sa mga nasasakupan nila sa Pasig ay hindi na nila ito tinigilan hanggang ngayong inaasahan ni Ara na maging magandang regalo sa kanyang kaarawan sa Mayo na maging bahagi ng Konseho ng nasabing lungsod.
‘KAYA THIS’ (mula sa binaligtad na Discaya) ang tatak ni Ate Sarah.
Pansin namin ang naglalakihang simbolo ng prosperidad sa kayang St. Gerrard Construction Building sa Pasig. Nakakalat ang mga gawa sa ivory at jade na nakapalibot sa apat na sulok ng kanyang tanggapan. Itsurang isang malaking showroom. Ang Feng Shui ay simbolo ng ka-positibuhan ng galaw ng kanilang buhay sa araw-araw. Una syemore ang Panginoon!
* * * * * * *
Ang isa namang tumutugon sa daan ng pulitika ay masasabing babangga din sa mga pader na maituturing sa Baybayin, Leyte.
Abugado si Levito Baligod. Isang anti-corruption advocate na ang layon at panawagan ay maipagpatuloy ng pagkakaroon ng ‘continuity budget process’ para maibsan ang korapsyon sa gobyerno.
Baligod promotes transparency in all government projects to ensure that public funds are used judiciously
Isang pagpapatunay ang ibinahagi nito sa media ang mga alegasyon laban sa isang Representative na inalis noong Enero 13, 2025 bilang chairperson ng House Committee on Appropriations, sa gitna ng mga kontrobersya sa sinasabing budget cuts and alleged pork barrel funds.
At ngayong March 2025, naglabasan pa ang mga alegasyon na diumano nag-lobby ang Representative na ito for infrastructure projects na direktang nakinabang sa kanyang private companies.
“These kind of wrongdoings has no place in the House of Representatives, ” dagdag pa ni Atty. Baligod na nais magsilbi sa Kongreso. Habang ang maybahay na si Malot naman ay tatakbo bilang Alkalde ng bayan.
Sa aming panayam kay Atty. Baligod, marami pa kaming natuklasan sa mga hinawakan at kinalabang kaso sa mahabang panahon.
Siya ang high-profile na abugado ni Benhur Luy na nasangkot sa P10 billion pork barrel scam na kinasangkutan ni Janet Napoles.
Kahit pa wala pa namang celebrities mula sa entertainment world na nahawakang kaso si Atty. Baligod, ang bilis ng sagot nito sa tanong namin kung sino ang napipisil niyang artista na pwedeng gumanap bilang siya sakaking gawin ang kanyang life story.
Dahil daw maitim siya, gusto niya si Goma (Richard Gomez) at si Dawn Zulueta naman ang maybahay niya.
Sa pangmamaliit ng marami sa mga artistang nagsisipasok sa mundo ng pulitika, para kay Atty. Baligod, lahat ay may karapatan.
Nakatanim na sa isip ng butihing abugado ang mga katagang ‘Preserve and Defend’.
