


Kumakandidato si Ara Mina bilang konsehala ng Pasig City para sa darating na national election ngayong Mayo.
Kasama siya sa ticket ni Sarah Discaya na matinding katunggali ni incumbent mayor Vico Sotto.
Bagamat sumubok na siya noon sa pulitika ng taong 2010, hindi naman siya pinalad na nagwagi.
Naniniwala kasi siyang destiny din ang pagluluklok sa public office.
Gayunpaman, hindi raw naman niya sinukuan ang kanyang pangarap na makapaglingkod.
“Never ko namang isinara ang pinto ko na posible aking muling tumakbo, Kaya heto ako ngayong running for councilor in Pasig City,” aniya.
Ipinaliwanag din niya ang dahilan ng kanyang pagtakbo sa Pasig bilang konsehala.
“Aside, na it’s a way of paying back, dito talaga ang roots ko. Dito ako lumaki, so this is my home. My mom and dad are from Pasig. Iyong ancestral home namin is located in Santolan. Even noong wala pa ako sa showbiz, residente na kami ng Pasig,” paliwanag niya.
Naniniwala naman siyang sa pagtakbo niya sa ticket ng kalaban ni Mayor Vico ay hindi mamasamain ng iginagalang niyang comedy icon na si Vic Sotto o ng anak nitong si Vico.
“Actually, si Bossing lang naman ang nakasama ko sa trabaho. Kumbaga, wala naman kasing ano o personal na interaksyon ni Vico,” esplika niya. “Si Bossing, matalinong tao siya. May kanya-kanya naman kaming journey. Naiintindihan naman niya ang situwasyon ko. Iyong respeto ko sa kanya, hindi iyon mawawala,” sey niya.
Iginiit din niya na kahit hindi sila ganoon ka-close ni Angelu de Leon na tumatakbo bilang konsehala sa ticket ni Vico ay walang tensyon sa pagitan nilang dalawa.
” Ok kami. Actually nagkita na kami before pero that time, hindi pa ako decided if I’m running for office. Wala namang problema sa amin ni Angelu,” bulalas niya.
Happy din si Ara dahil suportado ng kanyang mister na si Dave Almarinez ang kanyang kandidatura.
“Actually nagulat siya dahil hindi niya ini-expect na tatakbo ako but just the same, he’s very supportive. He’s also running under Turismo partylist,” pagbabahagi niya.
Dagdag pa niya, binibigyan din daw siya ng tips ng mister sa pagsabak nito sa public office.
Kung mahahalal sa public office, nais ni Ara na tutukan ang pag-aaruga sa mga PWD at urban poor.
Nais niyang magpatayo ng assistance center para sa seniors at people with disability.
Kasama raw ito sa plataporma nila dahil pareho silang malalapit sa special children dahil pareho sila ng Sarah na may mga kamag-anak na may special needs.
Balak din ni Ara na mag-aral ng Public Administration.
