




Handa na ba kayong ma-high sa halakhak at ma-touch sa puso? Dahil ngayong Mayo, ihahandog ng Kapitana Entertainment Media ang pelikulang ‘Isang Komedya sa Langit’—isang kakaibang timpla ng comedy, fantasy, at drama na tiyak na magpapakilig at magpapaiyak sa inyo.
Sa pangunguna ng beteranong aktor na si Jaime Fabregas bilang Father Emanuel Garcia, muling pinatunayan niya ang kanyang husay sa pagganap ng mga papel ng pari. Bagamat ilang beses na niyang ginampanan ang ganitong karakter, inamin ni Fabregas na may bagong hamon pa rin ito para sa kanya.
“Hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako gumanap bilang pari. Well, may challenge pa rin kase hindi naman lahat ng pari ay may pare-parehong character,” aniya.
Bukod sa kanyang propesyonalismo, ibinahagi rin ni Fabregas ang kanyang kabataan bilang sakristan sa Naga Cathedral, na nagpapakita ng kanyang malalim na koneksyon sa kanyang ginagampanang papel.
Samantala, si Carmi Martin naman ay gaganap bilang si Naty, isang papel na orihinal na inialok kay Ms. Nova Villa. Hindi nagdalawang-isip si Martin na tanggapin ang proyekto dahil naniniwala siyang maganda ang pelikula. Kilala sa kanyang mga comedic roles, dito ay ipinakita ni Martin ang kanyang versatility sa pag-arte, kung saan siya ay pinaiyak sa ilang eksena ng pelikula.
Kasama rin sa cast ang rising star na si Aki Blanco bilang Brother Marco. Matapos ang kanyang critically acclaimed performance sa ‘The Last 12 Days’, muling ipinamalas ni Blanco ang kanyang husay sa pag-arte. Since the movie explores about the past and the present, tinanong ng Pinoy News Channel si Aki kung may babaguhin ba siya sa kanyang nakaraan, sagot niya…
“Siguro po, kung may babaguhin man ako, gusto ko bumalik sa pagiging teenager ko. Kase nung teenager ako, simple lang ang buhay ko… gusto ko lang balikan ‘yung mga gano’n kase sa panahon ngayon, puro social media na and puro celfone,” aniya.
Kompletuhin pa ang ensemble ng mga magagaling na aktor na sina EA Guzman, John Medina, at Gene Padilla, na bawat isa ay nagdala ng kakaibang kulay at buhay sa pelikula.
Ang pelikula ay isinulat at prinodyus ni Rossana Hwang, ang visionary producer ng Kapitana Entertainment Media. Hindi lamang siya ang utak sa likod ng kwento, kundi siya rin ang naghanap at nag-recruit sa mga pangunahing aktor ng pelikula. Ayon kay Hwang, si Jaime Fabregas ay highly recommended ni Frasco Mortiz, anak ng komedyanteng si Edgar Mortiz.
“You have to get him,” aniya.
Si Carmi Martin naman ay personal niyang hinanap sa Barangay Chairman sa Magallanes Village sa Makati. Ang dedikasyon ni Hwang sa proyekto ay nagpapakita ng kanyang pagmamahal sa sining ng pelikula.
Sa direksyon ni Roi Paolo Calilong, ang pelikula ay naghatid ng isang makulay at makabuluhang kwento na tiyak na tatatak sa puso ng mga manonood.
Abangan ang pagpapalabas ng ‘Isang Komedya sa Langit’ sa Mayo 28, 2025 sa buong bansa.
Huwag palampasin ang ‘Isang Komedya sa Langit’—isang pelikulang magpapatawa, magpapaiyak, at magpapaisip sa atin tungkol sa buhay, pananampalataya, at pagmamahal. Ito ay isang cinematic experience na hindi mo dapat palampasin!
Para sa karagdagang impormasyon at updates, bisitahin ang Kapitana Entertainment Media.
‘Yun na!
