
KUNG naging markado sa showbiz ang pangalan ni Janice de Belen bilang isa sa mga nauna at sumikat sa pagbibida sa mga drama series noong child star pa lang siya, ay markado rin ang kuwento ng naging lovelife niya, lalo na ang naging kontrobersiyal na paghihiwalay nila ni John Estrada.
Lantad sa showbiz ang mga naging pakikipagrelasyon ni Janice bago dumating sa buhay niya at pinakasalan si John.
Naging karelasyon ni Janice si Gabby Concepcion, sunod ay si Aga Muhlach at nagkaroon sila ng anak, si Luigi Muhlach na isa na ngaong sikat na chef.
Prangka si Janice. Ngayong kinikilala na sa showbiz si John bilang isang mahusay na aktor, at bagay silang magkasama sa project, ay inirerespeto sa showbiz kung hindi kumportable ang mahusay na aktres na makatrabaho ang kanyang ex-husband.
Napupuri si Janice dahil sa naging maganda niyang pagpapalaki sa mga naging anak nila ni John. Kahit may mga hindi pinagkakasunduan ang dating mag-asawa ay malapit ang kanilang mga anak sa kanilang daddy.
Kinikilala ni John ang pagiging mabuting ina ni Janice, dahil lumaki ang kanilang mga naging anak, na malulusog, mababait at magagalang.

LANCE RAYMUNDO, BAGAY ANG PERSONALIDAD GUMANAP SA PAPEL NA JESUS CHRIST
WALANG kumuwestiyon o nagtaas man ng mga kilay sa showbiz sa ilang sunod sunod na taon na si Lance Raymundo ang gumaganap na Jesus Christ sa dulang “MARTIR SA GOLGOTA” ni Direk Lou Veloso.
Ito ay dahil na rin sa magandang image sa showbiz ng mahusay na singer, actor, model at TV host
Maihahalintulad si Lance kay Matt Ranillo, III noon na ilang ulit ding gumanap na Hesukristo, pero kinatuwaan sa showbiz dahil sa maganda nitong image sa movie industry at mabait na anak ng yumaong aktres na si Ms. Gloria Sevilla.
May kaya sa buhay ang pamilya nina Lance. Pero hindi siya kailanman nagkaroon ng isyu ng pagiging mayabang sa showbiz. Umaapaw ang kanyang breeding. Napakaganda ng pagpapalaki ng kanilang mga magulang sa kanya ganun din sa Kuya niyang singer na si Rannie Raymundo.
“As for Jesus Christ role, bilang isang katoliko, it’s an honor, privilege and blessing to portray Him. I didn’t feel any pressure kasi I grew up in a God loving family,” kuwento sa amin ni Lance.
Unang inialok ni Direk Veloso kay Lance na gumanap na Jesus Christ sa dula noong 2014, pero natuloy simula noong 2015, 2017, 2018, 2019, 2022, 2024 and this year 2025 on April 16 at Plaza Hugo, Sta. Ana 7-PM.
