

Updated ang mga tsismosang kapitbahay sa epekto ng eskandalong kinasasangkutan ng kilalang South Korean actor na si Kim Soo Hyun sa kanyang waning popularity.
May ilang kafaneyan naman ang nagpahayag ng agam-agam sa seryeng “It’s Okay To Not Be Okay” ang Pinoy adaptation ng popular K drama na pinagbidahan nina
Kim Soo-hyun,Seo Yea-ji, at Oh Jung-se sa original version.
Ang Pinoy remake nito ay tinatampukan nina Anne Curtis, Joshua Garcia at Carlo Aquino.
In the news kasi ngayon ang bidang
Kim Soo-Hyun dahil sa alegasyong may konek siya sa pagkamatay ng South Korean actress na si Kim Sae Ron na natsitsikang nagpatiwakal.
May mga negang balita pang groomer daw si KSH dahil underage pa lang ang South Korean actress nang makarelasyon nito.
Usap-usapan din ang pagkansela ng mga kilalang brands kay Kim Soo-Hyun bilang celebrity endorser dahil sa eskandalong kinasangkutan nito.
Dahil sa development na ito, may mga nag-opinyong posibleng maapektuhan ang serye nina Anne, Joshua at Carlo na hindi pa tapos.
May nagkokonek din kay Joshua at Kim Soo-Hyun bilang red flag.
Anyway, marami naman ang naniniwala na hindi makakaapekto ang negative news kay KSH para tumamlay ang patronage kay Joshua at sa TV series nito.
Ito ang ilang sey ng kibitzers.
“nasa pinas tayo, walang pake mga tao dito sa issue.”
“No issue ito. Look at Incognito kahit ano sabi ng tao sa soc med na problematic ang lead stars, pero patok pa din sa casual viewers naman.”
“Sina Joshua at KSH, parehong red flag.”
“Ano naman ang pake ni Joshua sa isyu ni Kim Soo-Hyun. I think, abswelto naman siya.”
“Oo nga, si Maris nga at Anthony at pati mga boys ng Incognito, nakalusot.”
“Basta maganda at quality ang serye mo, tatangkilikin siya.”
“Worried si Anne.”
“Kaya ba may tsikang natigil ang taping ng serye.”
“Malulusutan nila iyan. Ang ABS pa, ang galing nila sa damage control.”

Dennis, tinuldukan na ang relasyon sa mga anak kay Marjorie
Hindi ikinaila ni Dennis Padilla na sobra siyang nasaktan sa diumanoý naging shabby treatment sa kanya sa kasal ng anak na si Claudia Barretto.
Pumunta raw kasi sa paniniwalang siya ang maghahatid sa kasal ni Claudia being the father of the bride.
Katunayan, sinabi pa raw sa kanya ni Claudia na she wants him to look his best kaya maghanda ito sa kasal.
Bagamat walang natanggap na imbitasyon, pumunta raw siya dahil nagmensahe raw naman ang anak tungkol sa details as to the venue at time ng kasal.
Siyempre, excited daw siya na ihatid sa dambana si Claudia pero noong dumating daw sila sa venue kasama ang ina at kapatid na si Gene ay hindi nila alam kung saan sila lulugar.
Sabi raw ng coordinator ay umupo na lang siya sa lugar ng mga ninong na hindi raw naman niya ginawa dahil ayaw niyang magnakaw ng eksena lalo pa’t may designated seats ang mga ito.
Napahiya raw siya at ginusto nang umuwi pero napigil daw siya nang sabihan ng coordinator na gusto ni Claudia na magkaroon ng photo kasama siya.
Maging ang ina at kapatid daw niya ay nasaktan at nagdalang-habag sa kanya.
Sa vlog ni Ogie Diaz, naidetalye rin ni Dennis ang cryptic post tungkol umano sa ‘father of the bride’ na naging visitor umano na hugot niya sa social media.
“Nakatayo lang ako nag-oobserve. Pumapatak luha ko grabe. One of the most painful part ng buhay ko… wala to sa kalahati ng naranasan ko sa mga nakaraan,” salaysay niya. “Sa totoo lang Ogie, mas masaya pa kung di ako invited tapos dumating din ako. Mas gusto ko pa. Kasi hindi na nila pinansin, problema mo yun… Wala kang inexpect,” dagdag niya.
Pagkatapos daw ng nangyari, tinawagan niya sina Julia at Leon, subalit dinededma lang siya ng mga ito kaya raw siya napilitang mag-post at nakapagkomento ng “Kapal nyo”sa socmed na later on ay binura niya.
Dahil sa nangyari, napagtanto raw niyang wakasan na ng tuluyan ang ugnayan sa kanyang mga anak kay Marjorie.
“Ayaw ko na, surrender na, finish. Tatay nalang nila ako. Pero bringing back the relationship, wala na siguro”, sey niya. “Ngayon ko lang na-realize. Not one of my children even posted my picture in their Instagram… Ni wala akong picture sa kahit anong social media nila. Ni walang mention ng pangalan ko, ng nanay ko, ng tatay ko na artista din sa kanilang social media post. As in, zero. Why?”, paghihimutok niya.
May buwelta rin daw sa mga bumabatikos sa kanyang bilang toxic father.
“Sabi nila ako yung toxic. Talaga ba?” “Wala na, I’m sorry wala na. Napagod na,” pagtatapos niya.
Bilang pagtatapos ng ugnayan sa mga anak kay Marjorie, buburahin na rin daw ang mga litrato ng mga ito sa kanyang wall.
