
Inamin ni Jojo Mendrez na nakipag-collab siya kay Mark Herras para matulungan ito.
Katunayan, tulad ng isang tunay na kaibigan ay wala raw siyang hinihintay na kapalit.
Di rin niya ikinaila na may pinansiyal na tulong o pagkakautang din sa kanya ang aktor na umabot ng milyon.
Noong una raw ay akala niyang magwo-work ang kanilang kolaborasyon pero madalas daw ay nalalagay siya alanganing situwasyon.
Mula rin daw nang lumabas ang tungkol sa kanilang collab at sighting sa Okada ay umani na siya ng backlash sa social media na sinarili lang niya for the spirit of their friendship.
Gayunpaman, ang latest incident daw na nangyari sa awards night ng 38th PMPC Star Awards for Television ay naging wake up call sa kanya para tapusin na ang tandem ng MarJo.
Dapat daw ay magpre-present silang dalawa sa nasabing awarding ceremony na ginanap sa Dolphy Theater kamakailan.
Kaso, nagulat na lang daw siya dahil nag-walk out ang aktor nang hindi nagpapaalam.
Mabuti na lang daw na naisalba siya ni Rainier Castillo nang gabing iyon sa pagkapahiya.
Ang nakapanlulumo pa raw ay may panunumbat at pagbabanta na nakarating sa kanya mula kay Mark na para sa kanya ay hindi niya mapapalampas.
Clueless lang din daw siya kung saan nanggagaling ang galit nito pagkatapos niyang tulungan.
Kaya naman, pinili raw niyang basagin ang kanyang katahimikan para magbigay linaw sa kontrobersyang naganap sa PMPC Star Awards for TV.
“Ang purpose ng presscon na ito is put an end to MarJo. It’s about time na tumigil na siya kasi siyempre instead na naipro-promote ko iyong kanta ko, napupunta lagi ang usapan kay Mark at Rain. It’s about time na tigilan na siya. Kumbaga, bugbog sarado na ako sa social media. The first thing na lumabas iyong Okada up to now, walang narinig sa akin na pagsagot sa masasakit na nababasa ko sa social media. So, di nila alam ang totoong kuwento kung ano ang nangyayari for them. May relasyon ba? Nakipag-sex ka. Binayaran mo ito. Sugar daddy ka. Whatever na masasakit na lahat nang sinabi, lahat iyon tinanggap ko, ” lahad niya.” Si Mark wala naman siyang sinabi para idepensa ako. Ako iyong napupunta sa sitwasyon na nasasaktan. Sabi niya, 21 years na siya sa industriya, kaya alam na niya. Kaya na niyang lumaban.Ako naman iyong bago, di ako sanay sa ganoon pa, ” dugtong niya.
Ang pagkapahiya at pang-iiwan sa kanya sa ere ang dahilan daw kaya napagdesiayunan niyang wakasan na ang kanilang tandem.
“Kaya it’s about time na mawala na ang MarJo. Dumating na rin siya sa point na medyo mabigat na. May mga nagtatanong at nakakita sa PMPC noong nawala si Mark.Di ko alam kung saan nanggagaling ang galit niya o anong dahilan kasi madali namang magsabi na:’Jo, meron akong emergency o magpaalam nang maayos. Di iyong sasabihin mong magsi-CR pero wala ka na. Nandoon ako naghihintay sa upuan, iyon pala umalis na pala siya. Iyon pala, wala na,” kuwento niya.”Ba’t gagawin mo iyon sa taong tumulong sa iyo sa panahong wala ka. Saan nanggagaling iyong galit. Di matawid ng isip ko ba’t ginawa niya iyon, “pahabol niya.
Gayunpaman, pinili raw niyang gawin lang ang dapat gawin ng isang Good Samaritan.
” Nag-goodbye na ako sa kanya through text message. Nagpasalamat ako sa lahat at sinabi kong mag-ingat siya na sinagot lang niya ako ng thumbs up, ” ani Jojo.
Pagkatapos, mag-trending ng kanyang awiting “Nandito Lang Ako”, nakatakda ring gawan ng bagong bersyon ng Revival King ang “Pare, Mahal Mo Raw Ako”, “Bakit Ba Ganyan?” at “Tamis ng Unang Halik”.
Speaking of Mark, bukas naman ang pitak na ito sa panig niya hinggil sa isyu.
