
ANG mahalagang karangalan na ine-enjoy ngayon ni Marian Rivera ay ang sobrang respeto at pagmamahal ng kanyang husband na si Dingdong Dantes. Sa kabuoan ay hindi lamang iyon sa kanyang sobrang kagandahan bilang artista, kundi bilang mommy ng kanilang mga anak na sina Zia at Sixto Dantes.
Saan ka pa? Sina Marian at Dingdong kahit mayroon nang dalawang anak, ay kinaaaliwan ng mga taong nakakakita, dahil sa sobrang pagiging malambing nila sa isa’t isa na akala mo’y mga binata’t dalaga pa rin sila na nagliligawan.
Tumutok naman talaga si Dingdong sa pagiging ideal husband kay Marian. Pansinin lang, magmula nang makasal sila ay nahinto na talaga ang pag-uugnay ng mga balita sa host ng “Family Feud” ng GMA-7 sa ibang babae
Nakikita ni Dingdong at sobrang minahal niyang lalo si Marian sa mga sakripisyong ginagawa nito sa kanyang career para mas mabigyan ng panahon ang pagpapalaki sa kanilang mga anak.
Sobrang busy ngayon si Dingdong, dahil bukod sa mga programa sa TV ay may pelikula siya ngayon sa Star Cinema, kapareha ni Ms. Charo Santos. Wala siyang kapaguran para sa kanyang pamilya na kanyang inspirasyon
Nag-wish si Marian na huwag muna kaagad magsilakihan ang mga anak nila ni Dingdong. Pero sa bilis ng panahon, mabilis din nagsilakihan sina Zia at Sixto, kaya halos ayaw na ni Marian mawala sa paningin niya ang dalawang bagets.

BENZ SANGALANG, MULA SA PAGPAPASEKSI, SASABAK NA SA BAKBAKANG TELESERYE
SOBRANG happy ngayon ang ang aktor na si Benz Sangalang, dahil natutupad na ang kanyang pangarap, na pagkatapos niyang maipakilala ang kanyang sarili sa showbiz sa pamamagitan ng panimulang pagpapakita ng katawan ay sasabak na siya ngayon sa isang maaksiyong serye ng TV-5.
Isa ang “Sabik” sa pinaka “the best” film project na ginawa ni Benz na tinagurian ngayong VivaMax King, at obra ng isa sa pinakamagaling at respetadong direktor sa industriya, na si Direk Dado Lumibao. Kapareha dito ni Benz ang VMX Beauty na si Angela Morena.
Si Benz ngayon ay maihahalintulad kay Allen Dizon na dati ay sumabak din sa pagpapaseksi, pero kinikilala na ngayong mahusay na actor na ilang ulit nang pinarangalan bilang Best Actor.
Wika ng sikat na Talent Manager na si Jojo Veloso: “Alaga ko dati si Allen nung nagsisimula siya sa pag-aartista. Mahusay na siyang aktor ngayon. Si Benz din naman, nakikita ko sa kanya na dahil masipag siya, pursegido sa career na pinasok ay papunta na rin siya sa pagiging seryosong aktor.”
Si Benz ay matangkad, bukod sa magandang katawan ay magaling maglaro ng basketball, kaya bagay mag-action.
“Gusto ko po talaga yong mapasali ako sa teleserye na aksiyon para may iba rin akong maipakita at patuloy na mapatunayan. Promise ko sa sarili ko, paghuhusayan ko sa project na ito,” banggit ni Benz.
