

Umaariba ang eksenadora at dating Senadora Nikki Coseteng sa bagong balita kase given the chance daw, she wants to remake her classic film ‘Sa Kuko ng Agila’! Of course, with a different cast at medyo i-update naman shempre up to present times, sabi ni Coseteng.
Yes mga sizt, this 1989 anti-imperyalistang pelikula na pinagbidahan nina Joseph Estrada at Coseteng ay muling pinag-uusapan, hindi lang sa entablado ng politika kundi pati na rin sa entertainment chika!
Sa isang mainit-init na Pandesal Forum na ginanap sa Kamuning Bakery Café kamakailan, sinamahan ni Coseteng sina geopolitical experts Dr. Rommel Banlaoi at Richard Heydarian, at business figure Dr. Cecilio Pedro sa isang talakayan na may title na ‘In this Era of Global Tariff and Other Uncertainties: Peace or War?’ Pero ang tunay na eksena, mga mare, ay ang kanyang call na i-push ang peace—at ang pagbabalik ng kanyang pelikula na super relevant pa rin ngayon.
‘Sa Kuko ng Agila’ is not your ordinary pelikula, mga siz! Directed by Augusto Buenaventura at isinulat ng legendary Ricky Lee, this film threw major shade sa U.S. military presence noon sa Olongapo. It starred Joseph ‘Erap’ Estrada bilang si Tonyo, isang mini-bus driver na sawang-sawa na sa impluwensiya ng mga dayuhan sa bayan. At siyempre, kasama rin sa cast si Nikki Coseteng, na dati pang fierce at fearless kahit off-cam.
Imagine this, corruption, kahirapan, kababaihang naaabuso, mga mangingisdang nawalan ng kabuhayan—lahat yan ipinakita sa pelikula, sa panahon na ang U.S. bases ay parang telenovela na ayaw matapos. At sa ending? Ang bida, nanalo sa korte pero ang kontrabida? Tinawag na ‘tuta ng Kano’ ng mga raliyista! Gigilicious, di ba?!
Nikki’s new agenda is definitely peace, not war (at baka balik-pelikula rin?)
Sa forum, rumampa si Coseteng with a powerful message: “Nobody wins in war; let’s not fall for it.” Keri niyang ibalik ang narrative na hindi lang dapat giyera ang tugon sa mga issue sa West Philippine Sea o sa China. Sabi nga niya, mas bet niyang “pursue peace” at mag-business na lang ang peg.
Pero ang mas nakakawindang? She hinted that we need to “know more about China” and learn “how to become an industrial power” like them. Mga nini, industrialization na pala ang bagong DIY project ng Pinas?!
Kung tutuusin, ang ‘Sa Kuko ng Agila’ ay isa sa mga rare films na naglakas-loob ipakita ang pagiging tuta-tutan ng ilang politiko sa foreign powers. At ngayon, kung may remake man, sure kami mas magiging woke ito, with all the Gen Z energies and TikTok-powered activism.
At kung si Coseteng ang magpupush nito, we’re pretty sure she’ll bring the same laban vibes she had back in 1989. Maybe this time with new actors, fresh lens, at mas high-tech na execution. Pero sana, wag alisin ang sabaw—iyong tamang halo ng drama, paninindigan, at katotohanan.
Sa huli, kahit na geopolitics ang main dish ng forum, si Coseteng ang dessert na hindi natin inaasahan. She reminded us that art and film are not just for paandar—they can be a megaphone ng bayan para sa tunay na pagbabago.
So yes, mga mare, ‘Sa Kuko ng Agila’ is not just a throwback—it might just be the comeback. Ready na ba kayo sa bagong version nito with today’s context? Kasi si Nikki, mukhang game na game na!
Lights, camera, peace!
‘Yun na!
