
Viral ang bagong Tiktok video ni Marian Rivera kung saan humahataw siya ng bagong dance moves ala Jennie ng Black Pink.
Marami ang napahanga niya sa kanyang face card at pagkendeng.
May kibitzers pang nagsabing bampira ang peg nito dahil hindi tumatanda.
Ito ang iba’t-ibang komento ng netizens. “o ayan, pinalagan kayo, binigyan kayo ng bagong dance moves HAHAHA

“
“Lagi kasi sinasabihan na pare parehas ng step… ayan ginalingan tuloy. Wag niyo na nga binabash! Mamya kakabash niyo marunong na yan kumanta, perfect na! Hahahahaha”
“Ganda ni bakla kainis. Char!”
“Good for her..sayang talent nya sa pagasayaw kung paulit ulit lng kasi ung dance moves nya..”
“Mas bagay talaga sa kanya mga hiphop dance.”
“gwapaha oyyyy

“
“Giling marimar pa rin hahaha! Pero bampira talaga si batla. Ganda!”
“Grabeng facecard naman yarn!!

“
“Kahit budots pa sayawin niya, hindi niyo malalait kase gaganda yung budots pag si Marian nagsayaw”
“Ang galing nya magsayaw partida di nya pa sobrang sineryoso ang dancing sa career nya, parang hobby lang”
“Hays mapapa sana all ka nalang sa genes ni marian


“
“Honestly, sa mukha niya lang ako nakatingin the entire time. Wapakels sa dance mismo. Sobrang gandaaa! Hindi talaga makatao

“
MTRCB, Nakapag Rebyu ng mahigit 23,000 na materyal sa buwan ng Marso 2025
Sa hangad nitong protektahan ang mga manonood, partikular ang mga kabataang Pilipino, umabot sa 23,217 materials ang narebyu at nabigyan ng angkop na klasipikasyon ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) nitong Marso 2025.
Uri ng Materyal: | Bilang: |
Programa sa Telebisyon | 11,423 |
TV Plugs at Trailers | 11,527 |
Optical Media, Movie Trailers, and Publicity Materials | 203 |
Pelikula (Lokal at Internasyunal) | 64 |
Mas malaki ang bilang na iyan kumpara sa 18,811 sa parehong buwan noong 2024.
“Kami sa MTRCB ay lubos na natutuwa sa malaking bilang ng mga materyal na isinumite sa ating Ahensya para mabigyan ng tama at angkop na klasipikasyon ng ating tatlumpu’t isang Board Members,” sabi ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio. “Magandang senyales ito na nanunumbalik at umuunlad na muli ang industriya ng pelikula at telebisyon sa bansa.”
Ayon pa sa MTRCB, nagpapakita ito ng malalim na dedikasyon ng Ahensya na matiyak na ligtas ang mga panoorin habang nirerespeto ng Board ang kalayaan sa pamamahayag.
