
MEDYO kabado, pero nakakahinga pa ng maluwag ang sitwasyon ngayon ng guwapong aktor na pantasya rin ng mga kolehiyala, matrona at mga bading sa showbiz, dahil sa taglay niyang kaguwapuhan at ganda ng katawan.
Nakakahinga pa ng maluwag si guwapong aktor, dahil masuwerte pa ring hindi nababanggit ang kanyang pangalan sa iskandalong kinasasangkutan ngayon ng isang vaklang pulitiko.
Nung mabango pa ang pangalan ng vaklang pulitiko ay isa si guwapong aktor sa una nitong naging jowa-jowaan, sa tamang panahon at malaking presyo bayad sa kaligayahan. Nahuthotan na niya ang bading bago siya nito pinalitan ng ibang guwapong lalake na ikinakama.
Kabado si guwapong aktor, dahil ngayong wala na siyang eksena sa buhay ng vaklang pulitiko, ay baka madiskubre sa mga iskadalo, na dati silang magkakilala. Ayaw na niyang maiskadalo, lalo na ngayong unti-unti na siyang nananahimik sa buhay dahil nalalaos na siya bilang artista.