


IBINAHAGI ng hitmaker at singer-songwriter at tumatakbo sa pagka-Senador na si Atty. Jimmy Bondoc ang pagpasa nila ng kanyang mga kasamahang sina Atty. Raul. Lambino at Atty. Bobbett Torreon, ‘Filing a petition opposing the implementation of online voting for Overseas Filipino Workers (OFWs)’.
May panawagan ang grupo na ibalik ang manual voting. At isiniwalat ang mga kakulangan ng proposed system ng legal grounding at sufficieny safeguards para siguruhin ang integridad ng electoral process.
According to the group, “The new online system which allows enrolled OFWs to vote remotely through a web-based platform is based on the Overseas Electronic Registration and Voting Act already approved by the House of Representatives.”
Kasalukuyan itong nakahain sa Korte Suprema. At umaasa silang mabibigyang atensyon ito.
Samantala, hindi rin maikaila ang damdamin ni Atty. Jimmy sa kalagayan ng kanyang Tatay Digong na kasalukuyang nasa The Hague, Netherlands.
Nakakausap naman nila ito.
At sa isang pagkakataon, nakuha pa raw nitong makagawa ng kanta habang napansing naiiyak na siya sa pagiisipsa sinapit ng dating Pangulo.
Ramdam nito ang pag-aresto sa kanyang Tatay Digong kaya nagawa niya ang kantang Ibalik Niyo Si Tatay Digong’ sa loob lang ng isang araw.
“Di naman ako iyakin sa pulitika pero tumutulo na pala luha ko magisa, nang sinulat ko yung kanta,” pahayag ni Bondoc.
At kapag nahilingan ay kinakanta niya ito sa kanyang campaign sorties. Sa nag-iiyakang mga supporters na umaasam na mabago ang takbo ng mga pangyayari. Kaya sige rin sila sa pag-upload ng nasabing kanta sa social media.
At naalala ni Atty. Jimmy, “Ang unang linyang nasulat ko sa kanta ay yung ‘Tama Na, Sobra Na’. Na sigaw ng mga tao bilang protesta noong Martial Law.”
Samantala, buung-buo ang suporta ng kanyang misis kay Atty. Jimmy. Ilang buwan pa lang ang lumilipas nang nagpakasal sila. Pero ito muna ang kanilang hinaharap.
Nasa plano nila na dumalaw sa The Hague, sa Netherlands sa kanyang Tatay Digong pagkatapos ng halalan.
“Pero sana maiba ang takbo ng lahat,” ang dasal niya.
Marami pang nakaiintrigang tanong ang inihain kay Atty. Jimmy pero mas pinili nito na mag-no comment na lang.
Sumasaya siya na umaangat naman siya sa bilang ng mga kumakandidato sa pagka-Senador.
