


NITONG mga huling pagkakataon ay napapatunayan na sobra pa ring takaw-pansin sa mga tao si Daniel Padilla. Sa ginanap na ABS-CBN Ball 2025 ay sobrang simple lang siya, ayaw makalikha ng eksena, pero nakatutok lagi at nakaabang sa kanya ang mga tao kung lalapit at babatiin ba niya si Kathryn Bernardo?
Matagal ding nagtiis at iniyakan ni Julia Barretto ang mga paninisi at panlalait sa kanya noon na pinalalabas na diumano’y wala siyang utang na loob bilang anak sa kanyang tatay na si Dennis Padilla na nakahiwalayan ng kanyang mommy Marjorie Barretto.
Hanggang ngayon ay nagtitiis pa rin si Julia sa mga kaganapan. Ayaw niya ng mga kadramahan. Tutok siya sa marami niyang trabaho at sa masaya nilang relasyon ni Gerald Anderson.
Ipinagkikibit-balikat na lang ni Julia na sa tuwing magpapainterbyu ang tatay Dennis niya at magpapapansin sa social media, ay maba-bash ang kanilang pamilya. Paulit-ulit, mga wala daw silang kuwentang anak. Inilayo daw ni Marjorie ang damdamin ng kanyang mga anak kay Dennis.
Sobrang mahal ni Julia ang kanilang pamilya. Tanggap na niya noon pa, na malungkot mang hindi nila nakakasama ang kanilang daddy ay naitaguyod silang mapalaki ng kanilang mommy.
Isa din ang kapatid ni Julia na si Leon Barretto sa hayagang umaayaw ng mga drama at kontrobersiya. Sa ngayon ay malungkot si Julia dahil muli ay laman ng mga balita ang kanilang pamilya.

DANIEL PADILLA, KAILANGAN MAG-INGAT SA MGA TAONG NASA PALIGID NIYA
NITONG mga huling pagkakataon ay napapatunayan na sobra pa ring takaw-pansin sa mga tao si Daniel Padilla. Sa ginanap na ABS-CBN Ball 2025 ay sobrang simple lang siya, ayaw makalikha ng eksena, pero nakatutok lagi at nakaabang sa kanya ang mga tao kung lalapit at babatiin ba niya si Kathryn Bernardo?
Maingat na maingat si Daniel ngayon, dahil aware siyang maraming tao ang naghahanap ng mga dahilan at butas para siraan siya.
Maingat na maingat si Daniel ngayon, dahil aware siyang maraming tao ang naghahanap ng mga dahilan at butas para siraan siya.
Ginawan si Daniel ng isyu, na suplado daw at tumaatangging magpa-picture kasama ng mga fans.
Kabulaanan ang ganung bintang. Mabait si Daniel sa mga fans, at matiyaga niyang tinatapos mapagbigyan magpa-picture ang maraming tao basta’t may panahon siya.
Nitong huli, sa kumpol ng mga fans na nilapitan ni Daniel ay may nagtanong sa kanya: “DANIEL, NASAAN SI KATHRYN?” Birong-sagot ni Daniel dun sa nagtanong: “SAANG PLANETA KA BA NAKATIRA?” Nung lumabas sa social media, ang isyu ay nagtaray daw ang guwapong aktor.
Maling paratang. Hindi nagtaray si Daniel. Dahil guwapo siyang nakangiti sa nagtanong sa kanya.
Happy si Daniel, dahil sa teleseryeng “Incognito” ay napapaligiran siya ng mga kasamahang aktor na sina Ian Veneracion at Richard Gutirrez na parang kapatid na bunso ang turing sa kanya. Hindi man niya kasama sa serye, ay mabuting kaibigan din para sa kanya si Zanjoe Marudo.
