



Sa panahon ngayon na puro pa-ulit-ulit at predictable ang mga marketing strategies,
may dalawang visionary na naglakas-loob na baliin ang lahat ng rules—Sam Verzosa at RS Francisco.
Sila ang mastermind sa pinaka-wild, pinaka-usap-usapan, at pinaka-controversial na marketing move sa kasaysayan ng Pilipinas!
Ang buong bansa ay nagulantang nang biglang kumalat ang balitang ‘patay na’ ang Luxxe White—mula sa mga misteryosong billboard sa EDSA, hanggang sa social media na todo chismis tungkol sa umano’y pagkabangkarote ng kumpanya. Pero ang pinaka-windang sa lahat?
Isang burol ang naganap—OO, BES! Isang legit na funeral, complete with a coffin at iyakan galore!
Nagkagulo ang buong Frontrow community. Nag-unahan ang distributors sa pagbili ng ‘huling stocks’ ng produkto, habang ang mga marites at bashers ay nagpasabog ng espekulasyon—may mga nagsabing bagsak na ang negosyo nila Francisco at Verzosa, at may iba pang nagtanong kung paano siya makakapagsilbi sa bayan kung hindi raw niya na-manage ang sarili niyang kumpanya.
Pero ito pala ang pinaka-malupit na plot twist—nahulog sila sa trap! Dahil ang buong drama, isang epic marketing strategy pala—isang planong sobrang astig at out-of-this-world, na ngayon ay tinuturing nang ‘greatest brand relaunch’ sa kasaysayan ng Pilipinas.
At nang dumating ang bonggang media launch, isang nakakagulat na rebelasyon ang naganap.
Luxxe White did not die—it EVOLVED!
Ipinakilala nila ang Luxxe White Ultima. Mas malakas. Mas powerful. Mas pangmalakasan!
Kung akala ng lahat, tapos na ang Luxxe White, nagkamali sila! Dahil mula sa ‘abo’ ng pinaglamayang brand, sumulpot ang mas BONGGA, MAS MATAPANG, AT MAS POWERFUL na Luxxe White Ultima!
Ito na ngayon ang pinaka-upgraded na bersyon ng Luxxe White na may 1,400mg ng mas pinalakas na formula, infused with collagen, hyaluronic acid, oral sunblock, at oral moisturizer—para sa ultimate glow na hindi lang pang-labas, kundi pang-loob din!
At hindi lang ‘yan! May mga bago pang double-powered health supplements na inilunsad kasabay nito:
Luxxe White Slim L-Carnitine – may garcinia cambogia at 2,200mg na power boost!
Luxxe White Renew – packed with super berries (acai, goji, noni) at may pure barley at moringa
Luxxe White Protect – may 500mg ng pure grape seed extract, plus Vitamins C, D, at E para sa pangmalakasang proteksyon!
“Wala akong takot sa rebranding,” sey ni RS Francisco.
Habang ang iba ay baka kabahan sa ganitong kabaliw na move, si RS Francisco ay walang kahit anong pangamba.
“I believe in the product, and we will enhance it even more and better.”
At para sa mga gustong sumunod sa yapak niya sa negosyo, he has one golden advice.
“Think out of the box. Huwag ka pumayag maging regular. Huwag ka pumayag maging generic. Be original. And please, huwag ka na rin mangopya. Isip ka na lang ng original.”
Sinabi din ni RS na ang mga haters at bashers nila ay naging libreng marketers!
Sa sobrang ingay ng ‘pagkamatay’ ng Luxxe White, mismong mga bashers at haters ang naging pinaka-malalakas na promoters ng Luxxe White Ultima!
“We knew exactly what we were doing,” sey ni Verzosa. “People love drama and controversy, and we gave them a spectacle they couldn’t ignore. But instead of failure, they witnessed the rebirth of a legendary and revolutionary product.”
Francisco added, “We just didn’t launch a product. We created a moment in marketing history. Real visionaries never follow the rules—they rewrite them.”
Sina Rhian Ramos at Miss Universe Philippines, Michelle Marquez Dee ang mga bagong mukha ng Luxxe White Ultima at Luxxe White Slim.
Ang epic na media launch, hosted by Boy Abunda, ay lalo pang nagpatibay sa pagiging most iconic marketing moment of the year.
Sa harap ng spotlight bilang bagong endorsers ng Luxxe White Ultima at Luxxe White Slim ay sina Miss Universe Philippines 2023 Michelle Marquez Dee at top actress Rhian Ramos.
Ayon kay Rhian, hindi siya nagdalawang-isip na maging endorser ng produkto.
“Parang nakuha ko naman lahat ng gusto ko,” sabay tawag ni Rhian.
“Even before becoming an endorser for Luxxe White, I was already using it ever since I met Sam and he introduced me to the product. I started using the product and I saw the difference. Kase iba ‘yung ganda na mukhang healthy ka that comes from within.”
Nang tanungin ni Boy Abunda kung maganda ang kanyang kontrata, sagot niya:
“I read all my contracts 3, 4, 5 times.”
At nang diretsahang tinanong kung maganda ba ang bayad sa kanya?
Rhian nodded and said, “I’m actually compensated way beyond what the contract says. ‘Yung ibang mga compensations ko, hindi na nakasulat.”
Samantala, Michelle Marquez Dee, na matagal nang gumagamit ng Luxxe White Slim, ay nagbigay rin ng kanyang suporta sa produkto.
“When I joined Miss Universe Philippines for the first time, Frontrow was actually a presentor. And when I won first-runner up then, the product that was mine was Luxxe White Slim. So I was able to get experience already and I can really vouch for the product.”
Matapos ang lahat ng kontrobersiya, intriga, at espekulasyon, isang bagay lang ang sigurado—Verzosa at Francisco just changed the game.
Simula ngayon, ang Luxxe White Ultima, Luxxe White Slim, Luxxe White Protect at Luxxe White Renew at ang buong collection nito ay mabibili na lang sa mga authorized distributors worldwide—isang eksklusibong health and beauty revolution para sa mga handang mag-level up.
Ito ay hindi lang isang produkto. Ito ay isang movement.
BIGGER. BETTER. STRONGER. Time to Luxxify!

‘


