
MANILA, PHILIPPINES — Maghanda na, Emoji-nation, dahil ang paboritong emoji-powered game show ng TV5 ay nagbabalik na para sa mas pina-bonggang Season 5 — ang pinaka-exciting season ever!
Mas pinasaya pa ito ng pagbabalik ng nag-iisang Her Emojesty Maja Salvador, dala ang kanyang energy, star power, at karisma na minahal ng Kapatid viewers. Sa premiere ng Emojination Season 5 ngayong May 17, asahan ang mas mind-bending emoji puzzles, mas matitinding pa-premyo, at mas marami pang sorpresang puno ng emoji-filled memories o memojies.
Ngayong isa na siyang mommy, mas inspired si Maja na maghatid ng masayang experience sa bawat pamilya. Iba ang dala niyang sigla at warmth sa bawat episode na siguradong magpapangiti sa lahat. Hindi lang ito ang marka ng kanyang pagbabalik sa Emojination, kundi simula rin ng panibagong chapter niya sa TV5, kung saan mas marami pang dapat abangan ang fans and viewers sa kanya.
“Maja has always had a special place in the hearts of our Kapatid audience, and her energy lights up every show she’s in. Her return to Emojination has been eagerly awaited, and we’re all excited to see her bring even more fun and unforgettable moments to the TV screens,” pahayag ni TV5 President at CEO Guido R. Zaballero.
To da whole new level ang saya dahil makakasama rin bilang co-host ang Last One Laughing (LOL) Season 1 grand winner na si Chad Kinis na magpapa-roll on the floor laughing sa mga manonood! Nagbabalik din ang ever-energetic sidekick na si Chamy Aguedan, na dala ang kanyang mabilisan at patok na challenges! Ang kanilang tandem — ang ChaCha Duo — ay handa nang magdala ng iba’t-ibang klase ng saya na siguradong wilder, wackier, at five times the laugh trip!
“Our production team has worked tirelessly to ensure that season 5 brings something new and exciting to the table. We’ve put in the effort to create unforgettable moments that will truly make this season stand out,” dagdag ni Michael Tuviera, President at CEO ng APT Entertainment.
Mula sa pinaghalong tuwa at nakababaliw na emoji puzzles, hanggang sa mga pasabog na surprises, ang Emojination Season 5 ay handa nang magdala ng five times na aliw, five times na katatawanan, at five times na wild entertainment! Sa bagong season, abangan ang mga exciting celebrity guests na maglalaro ng emoji-fied games, pati na rin ang unforgettable episodes tampok ang Kapatid audience na magbibida ng kanilang guessing game skills. Dagdag pa dito, may brand-new segment din na siguradong magiging crowd favorite at magdadala ng “maj panalong memojies” para sa lahat ng ka-Nation!
Ipinahayag ni Cignal’s First Vice President/Head of Channels at Content Management Sienna G. Olasa ang kanyang excitement sa pagbabalik ng Emojination “because this format truly stands out. It’s not just fun, it’s an experience filled with entertainment, laughter, and surprises — and we’re grateful that our viewers continue to enjoy and support it.”
Huwag palalampasin ang premiere ng Emojination Season 5 ngayong May 17 (Sabado), 5:30 PM sa TV5 — at may same-day catch-up sa BuKo Channel ng 8:00 PM. Makisaya sa bagong season that’s more fun than you can emojin!
