
Kasunod ng paglabas ng makapal na puting usok sa chimney ng Sistine Chapel sa Vatican City ay nailuklok na kauna-unahang Santo Papa mula sa United States si Robert Francis matapos na mapili ng mga cardinal sa buong mundo bilang bagong pinuno ng 1.4B katoliko.
Si Prevost na tatawaging Pope Leo XIV ay masayang ipinagbunyi ng libu-libong mga katoliko na nagtipon sa St Peter’s Basilica sa kanyang pagpapakita sa balcony habang nakangiting kumakaway at yumuyukod sa kanila at sinambit ang katagang ‘peace be with you’.
Naihalal ng 133 cardinals na nagmula sa iba’t ibang panig ng mundo ang bagong Santo Papa sa ikalawang araw ng isinagawang conclave voting na inabangan ng mahigit isang bilyong katoliko sa mundo.
Si Pope Leo XIV ay ang humalili kay Pope Francis na pumanaw noong Abril 21, 2025.