
MAKAPAL na usok na itim ang lumabas mula sa tsimenea ng Sistine Chapel sa Vatican City bilang senyal na bigo ang mga cardinal na makapaghalal ng susunod na pinuno ng Katoliko o Santo Papa.
Makalipas ang halos mahigit na tatlong oras ay nasaksihan ng mga libu-libong katoliko sa labas ng St Peter Square ang usok na itim mula sa itaas kasunod ang pamamahinga ng mga cardinal at pansamantalang panunuluyan sa Santa Marta guesthouse habang hindi pa natatapos ang paghalal ng bagong Santo Papa na itutuloy muli ngayong araw ng Huwebes.
Nagtipon ang mga cardinal sa Vatican City matapos ang pagkamatay ni Pope Francis makaraan ang 12 taon na paglilingkod nito bilang pinakamataas na lider ng mga katoliko sa buong mundo na umaabot sa bilang na 1.4 katao.
Kinakailangan makakuha ng 89 na boto mula sa 133 na botante na pawang mga cardinal upang matagumpay na makapaghalal ng bagong Santo Papa.