
NAPAKASUWERTE ni Kathryn Bernardo, dahil habang nalalapit ang kanyang ika-29th Birthday sa March 26 ay masasabing umaapaw talaga ang suwerte sa kanyang showbiz career, na pinapangarap din ng ibang nakasabayan niyang mag-artista. Pero siya ang mabilis na nakarating sa minimithing kasikatan.
Hitsurang pinakain ng alikabok ng kasikatan ni Kathryn ang ibang sikat na artista sa showbiz.
Dahil klaro ang naging pagkilala ng movie industry sa naging tagumpay sa takilya ng pelikulang “HELLO, LOVE, AGAIN…” na kinilala rin sa Box-Office Hit Award ng MANILA INTERNATIONAL FILM FESTIVAL na ginanap sa Beverly Hills, California.
Napakasipag ni Kath, dahil kasabay ng kanyang pag-aartista ay mayroon na rin siyang mga negosyo, kaya lalo siyang yumayaman.
Hindi pinagbago ng kanyang tagumpay si Kathryn. Laging una para sa kanya ang pagmamahal sa kanyang pamilya.
Hindi rin siya maramot. Natuwa at nagulat na lang si Direk Edgar “Bobot” Mortiz, dahil sa nalaman niyang isang dating kasamahan ni Kathryn sa “Goin’ Bulilit” ang tinulungan ng aktres na matustusan ang gastos nito sa pag-aaral dahil sa kagipitan sa buhay.
Dahil sa popularity ni Kathryn ay isa rin siya ngayon sa pinakapatok na product endorser, idagdag pa rito ang napakataas niyang talent fee sa paggawa ng pelikula at teleserye.
Eh, kumusta naman ang puso ni Kathryn? Hindi naman puwedeng puro trabaho lang. Kailangan niya rin ng magpapasaya at magpapaligaya sa kanya. Bagong inspirasyon!
Paniwala sa showbiz, ganu’n din ng mga Kathniel Fans, na hindi na talaga mahal ni Kathryn si Daniel Padilla kapag umamin siya na mayroon na siyang bagong karelasyon.
Kaya lang, huminto na raw si Alden Richards na manligaw kay Kathryn.
Iwas pa rin naman magsalita ang guwapo at matangkad na Mayor ng Lucena City na si Mayor Mark Alcala kung siya na nga ba ang karelasyon ni Kathryn.
Sa mga okasyon at trabaho ay nakatabi ni Kathryn sina David Licauco at Donny Pangilinan. Bagay siya kay David. Bagay din sila ni Donny.
Pagkatapos ng hiwalayan nila ni Daniel ay maraming kalalakihan ang nag-aabang kung puwede na ba ulit magmahal at maligawan si Kathryn?
Sa pagrampa ni Kathryn sa BENCH Body Of Work Fashion Show ay nahuli sa kamera na natutulala ang mga bagets na kalalakihan na titig na titig sa kagandahan ng aktres.
Ano ba yan? Ang haba ng hair ni Kath.
Happy Birthday, Kathryn Bernardo!
