

Pasabog ang naging pahayag ni Jackie Forster kaugnay ng ilang isyu hinggil sa hiwalayan ng kanyang anak na si Kobe Paras at Kyline Alcantara.
Ayon sa dating aktres, si Alcantara ang nagdulot ng matinding stress sa relasyon ng dalawa.
Matapos din ang ilang linggong pananahimik, minabuti niyang magsalita sa isyu dahil nahuhusgahan at naiipit ang kanyang anak.
Sinabi rin niyang si Andre, kapatid ni Kobe, ay hindi dapat na mabatikos dahil sa pagtatanggol sa kanyang kapatid lalo pa’t labis na nababatikos ang ex ni Kyline dahil sa maling paratang.
Sa kanyang pahayag, sinabi ni Jackie na noon pa man ay may mga palatandaan na ng hidwaan sa pagitan ni Kobe at mga magulang ni Kyline bago pa naganap ang hiwalayan.
Hirit pa ni Jackie, ang Kapuso actress ang nagbigay ng maling larawan kay Kobe sa publiko.
Ayon pa sa kanya, maraming mga hakbang na ginawa si Kyline na nagpapakita ng hindi pagkakaintindihan, tulad ng pagbura ng mga larawan at ang pagpapakalat ng mga edited screenshots na nagdulot ng hindi magandang impresyon sa kanilang mga suporta.
Bukod pa rito, binanggit din niya ang ilang insidente kung saan nasakal sa relasyon ang kanyang anak kay Kyline tulad na lamang ng regular na pagtsi-check ng cellphone ni Kobe ni Kyline kasama ang pisikal na pananakit ng aktres kapag nag-aaway ang dalawa.
Sey pa niya, sa lahat ng ito ay hindi pinili ng anak na mag-react nang marahas kundi magdesiyon na lang lumayo para makaiwas sa gulo.
Dagdag pa ni Jackie, siya ay hindi natutuwa sa mga hakbang ni Kyline na nagmukhang siya ang biktima ng sitwasyon.
Pagbabahagi pa niya, nagmakaawa pa raw si Kyline kay Kobe na bumalik sa tinitirhan nila bago mag-Easter Sunday.
Nilinaw din niya na si Kobe ang unang nakipaghiwalay dahil hindi na nito nakayanan ang hindi kaaya-ayang nararamdaman sa kanilang relasyon.
Sey pa niya, nagkaroon din daw sila ng masinsinang pag-uusap sa pagitan ni Kyline at Jackie kung saan pinaalalahanan niya ang aktres na huwag magpadalos-dalos sa paggawa ng mga hakbang na makapagpapalala pa ng isyu, tulad ng pagbura ng mga larawan at pag-unfollow sa anak sa social media.
Gayunpaman, pagkatapos ng kanilang pag-uusap ay hindi ito nakinig dahil nagpost pa ito ng sentimental video kung saan na-bash ang anak pagkatapos na makuha ang ang simpatiya ng netizens sa kanyang pabor.
Tungkol naman sa “Bali Issue” ni Kobe, ipinaliwanag ni Jackie na single na si Kobe noong mga panahong iyon at hindi na sila kasalukuyang magkasama ni Kyline.
Bukas naman ang pahinang ito sa panig ni Kyline hinggil sa isyu bagamat parang pinipili na lamang niyang hindi magsalita tungkol sa kontrobersya.
